Matindi ang naging pressure di umano sa kapitolyo nitong nakalipas na linggo. Ang iba raw ay nanghina, ang iba ay nagluksa, ang iba ay lumakas ang hina at ang iba nagkaroon ng alta presyon at muntik ng magkaroon ng nervous breakdown? Hikhikhikhik!
Ang ilan umano sa mga empleyado sa kapitolyo ay masayang masaya noong bumalik na sa kapitolyo ang padabang Boboy Cua samantalang ang ibang empleyado ay tila binagsakan ng langit matapos makitang meron ng ibang gobernador na pipirma ng kanilang papel? Hikhikhikhik!
Sa facebook, nagsilabasan na yong mga nagpapalakas sa gobernador at ang iba naman ay na shock habang ang iba ay tikom bibig laang..hikhikhikhik!
Ang buong akala kasi ng ilang empleyado maging yong mga nasa acting capacity ay hanggang sa Abril pa ang suspension, subalit biglang sumambulat ang memorandum na nagbabalik na ang elected governor sa pwesto.
Ang akala umano ng iba ay nag-jojoke lang ang suspended governor until such time na pumasok ito sa 2nd floor na dati niyang opisina at lumabas na nga ang isang memo na nagsasabing siya na ang dapat kikilalaning gobernador ng islang kayganda..hikhikhik!
Reaksyon naman ng ilan, pwee di nga..hikhikhikhik! Ang ilang opisyal, ang sabi, sinong may sabi? Kaya nga, pumunta na rin sa DILG ang iba kasi nagugulumihanan sila sa mga nangyayari..hikhikhikhik! Hindi rin alam ng ilang empleyado kung iihi ba sila o iinom ng kape o gatas..hikhikhikhik!
Ang ilang empleyado din umano kasi tila komportable nang si AG Shy ang kanilang bossing, kaya’t gusto umano nila forever na acting nalang..hikhikhik! Nakita na naman di umano kasi nila ang ilang empleyado na mas maangas pa kaysa kanyang bossing, kaya’t okey na sa kanilang araktingan lang ang laban.hikhikhikhikhik!
Sa kabilang banda, nitong Biyernes, nawala rin di umano ang nerbyus ng ilang empleyado dahil merong lumabas na papel na si acting uli ang gobernador..hikhikhik! Kaya’t tuloy muli ang ligaya. Pero, hindi pa rin umano kampanya ang ilan dahil may nasagap silang balita na the soonest possible time, babalik na siyang muli at legit na..hikhikhikhik!
Mahirap din naman kay Gob Cua ang sitwasyon na tila empty victory ang nangyari sa kanya nitong nakalipas na halalan. Lalo na sa mga supporters na talagang matagal ng nanghihintay kung kelan ang kanyang pagbabalik.
Anyways, merong laging liwanag sa ilalim ng kadiliman. Kung sa Abril pa ang kanyang dapat na pag-upo, konti nalang panahon at darating din yan. Kaya nga lamang, kung merong ganitong mga movement sa kanyang panig, baka maging bahagi pa ng problema ang kanyang mga measures at baka patulan pa ng kanyang mga kalaban ang ginawa niyang pagpasok na walang malakas na basehan.