VIRAC, CATANDUANES – Itinanggi ni EBMC Chief of Hospital Dr. Vietrez Abella ang salaysay ng Caramoran Police na umano’y humihingi siya ng Court Order para sa release ng slug na nakuha sa katawan ng binaril na si Coun. Zaldy Idanan.

            Magugunitang sumailalim sa isang operasyon si Coun. Idanan upang kunin ang bala na naiwan sa katawan nito kaugnay sa nasabing pamamaril.

            Ayon sa pulisya, malaki umano ang maitutulong ng nasabing ebidensiya para sa isinasagawa nilang imbestigasyon upang matukoy ang mga salarin. Ngunit nadismaya umano sila nang mag-require ng Court Order si Abella para sa release ng nasabing bala.

            “Sa harapan mismo ng imbestigador ko, nag-require si Dr. Abella ng Court Order,” ayon sa pahayag ni PCpt. Ariel Buraga. “Ni hindi niya tiningnan yong request letter na dala ng imbestigador.”

            Samantala, sa eksklusibong panayam kay Abella, itinanggi niyangj humingi siya ng Court Order.

 “There was a policewoman, na hindi naka-uniporme, who appeared before me and asked kung pwede niyang matingnan ang bala. Later, she was also asking about the names of the doctor who performed the surgery and the attending physician”, paglalahad ni Abella.

            Dagdag pa ni Abella, bihira mangyari ang ganoong sitwasyon at hindi umano niya alam ang tamang protocol sa pamamahala ng gayong ebidensiya.

            “My point was to maintain the integrity of the slug and masiguro na tamang bala ang maihaharap ang ebidensiya. So I was asking about the process. I did not mention requiring a court Order”, pagpapatuloy nito.

            Sa simula, desidido ang Caramoran Police na sampahan ng Obstruction of Justice case si Abella, ngunit ayon sa hepe ng hospital, nakausap na umano niya si PNP-Catanduanes Provincial Director PCol. Paul Abay at nasabi na umano nito sa kanya ang proseso.

            Samatntala, naiturn-over na ng EBMC sa pangangalaga ng Caramoran Police ang naturang  slug. Ganoon pa man, naninindigan ang pulisya na tama ang kanyang narinig mula sa duktora.

Advertisement