Naging matumal ang bilang ng mga nagtutungong botante sa mga opisina ng Comelec sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan.

             Ganito inilarawan ni Virac Election Officer Amelia Arizabal, kasalukuyang OIC ng Comelec Provincial Office, ang bilang ng mga nagpaparehistrong botante sa lalawigan isang linggo matapos ang unang araw ng muling pagbubukas ng voter registration para sa darating na May 2022 National at Local Elections.

            Ayon kay Arizabal, sa ngayon ay tanging 176 pa lamang ang kanilang naitalang nagparehistro sa buong lalawigan.

            Kaugnay nito ay muling nanawagan si Arizabal sa publiko, partikular sa mga hindi pa nagpaparehistrong botante, mga kailangang magpa-transfer, re-activate at change name, na magtungo na sa kanilang tanggapan at huwag ng hintayin pa ang deadline.

            Bukas aniya sila alas-8 hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Sabado. Nanawagan din ito ng kooperasyon mula sa mga opisyal ng barangay kaugnay ng mga isasagawa nilang satellite registration sa iba’t ibang barangay/bayan sa mga susunod na araw na layunin aniyang mailapit ang kanilang serbisyo sa mga tao. | via Juriz Alpapara #RadyoPilipinas

Advertisement