Caramoran, Catanduanes – Arestado ang pito (7) katao dahil sa illegal logging activities sa bayang ito.

            Kinilala ang mga suspek na sina Mark Allen Fuentes y PacaigI, 18 anyos, single, walang trabaho; Joseph Isorena y Rubia, 23, single, magsasaka,  Loreno Correo y Magalona, 33 years old, may-asawa,  abaca stripper; Junie Isorena y Rubia, 21, single, walang trabaho,  Noriel Longamin y Rubia, 19, single, walang trabaho; Jobert Evangelista y Isidoro, 19 anyos, single, walang trabaho at Salvador Isorena y Rubia, 20, single, walang trabaho. Pawang mga residente ng Brgy. Milaviga, Caramoran, Catanduanes ang naturang mga suspek.

            Narekober mula sa mga suspek ang mga putol-putol na Narra tree na natagpuan sa Sitio Minabobo sa nasabing barangay.

            Ang nasabing mga suspek ay sumailalim sa medical at physical examination at sinampaan ng kaukulang kasong paglabag sa PD 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).(Patrick Yutan)

Advertisement