Pumanaw na si Former Catanduanes Vice Governor TEOFISTO I. VERCELES nitong nakaraang araw.

Si Verceles ay matagal din nanilbihan bilang town mayor ng Pandan bago naging bise gobernador ng lalawigan. Ang kanyang maybahay na si Eulalia Verceles ay matagal din na nanilbihang alkalde ng Pandan nang sya’y bise gobernador ng Catanduanes, subalit unang pumanaw sa kanya dahil sa inindang karamdaman.

Sa kabilang dako, nagparating naman ng mensahe ng pakikiramay at pakikidalamhati si Acting Gov. Shirley A. Abundo sa pamilyang naiwan ni Verceles.

Sa kanyang mensaheng ipinaskil sa social media ngayon, pinasalamatan ni AG Abundo ang dating bise gobernador. Ayon sa kanya “maraming salamat sa masasayang alaala at sa maraming pamana bilang dating pinuno ng Lehislatura.

Ang iyong mga turo ay mananatiling gabay para sa bawat isa na bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan.Paalam po. “

Sa ngayon wala pang detalyeng ipinalalabas ang pamilya hinggil sa burol at libing ng yumao. | via Arlene Bagadiong #RadyoPilipinas

Advertisement