Ano nga ba ang mensahe ng mga nangyayaring kababalaghan sa Mundo nitong mga nakalipas na araw? Sa pagpasok ng year of the Rat, tila maraming mga nangyayaring scary sa ating mga kababayan.

Una yong pagputok ng bulkan Taal na halos disyerto na ngayon ang ilang lugar sa Batangas dahil sa mga abo na binuga ng bulkan. So far, ang maganda kasi dahan dahan ng pinababalik ang mga residente sa kanilang mga lugar lalo na ang lampas sa danger zone. San nga po ay tuloy tuloy na.

Sa ibang bahagi ng mundo, ilang ding bulkan ang sumasabog, grass fire sa Australia at ang pinakahuli ay ang nakakapangilabot na Novel Corona Virus (NcoV) na halos alarmado ang lahat na mga bansa at nagdeklara na ang World Health Organization ng pagkaalarma sa sitwasyon.

Bigyan natin ng konting palabok ang kwento. Bago nangyari ang pagkaalarma sa Corona virus, pinagbawalan ng Amerika ang ilang personalities sa Pinas na makapasok sa USA dahil umanoy pagpakulong kay Senator Leila Delima.

Dito nagpanting ang tainga ni Senator Bato Dela Rosa at nadala sa emotion si Presidente Digong at kinampihan si Bato at ngayon nais kanselahin ang visiting forces agreement (VFA). Galit na si Digong kay Uncle Sam (US) kung kaya’t napakaluwag natin sa China kasi nga merong mga biyayang nakakarating dahil sa magandang relasyon.

Sa nangyaring pang-iisnab ni Tatay Digong sa Amerika divine intervention ba itong Corona Virus para dumistansya si Tatay sa China? Eh paborito kasi ni Tata yang China, kaya’t itsapwera ang Amerika hikhikhik!

Eh, nito lamang nakaraang linggo, una ng sinabi ni secretary Duque ng DOH na manganganib ang diplomatic relation ng China at Pinas sakaling ipagbawal ang pagbyahe ng mga tsino sa Pinas dahil sa corona virus. Ilang oras lamang ang nakakaraan matapos ang pahayag ni Duque, pumutok ang balitang kumpirmado na positibo ang isang kaso sa San Lazaro na mula sa tsina.

Sa una, ayaw ni tatay Digong na makinig sa mga suwestyon ng ilan lalo na ang mga opposition dahil pamumulitika umano, subalit noong si Senator Bong Go na ang nagbulong sa kanya, matic si Tatay, ban na ang pagpasok ng mga taga china sa Pinas..hikhikhikhik! Ganun pala yon..hikhikhik! Lakas talaga ni Tito Bong.

Ang tanong, kung ekis na ang tsina, saan na makiki friend si Tatay? Hikhikhikhik!

*********

Salamat si DPWH dahil nasagutan na ang panawagang ayusin ang daan sa Luyang Cave dahil sa bitak na matagal ng nirereklamo ng mga motorista. Nagsasagawa na ng widening sa lugar at detour muna tayo sa Palawig.

Pakiusap ko sa mga taga DPWH, hanap kayo ng mga kontraktor na magawa gumawa at hindi yaong sapote para asertado ang patrabaho niyo. Kadalasan kasi mga sub contract ang ginagawa kung kaya’t yaong mga nagpapraktis magkontrata ang napapalaban. Pinagkakitaan na, pinagpraktisan pa..hikhikhik!

*******

Abril o Mayo umano, pwede ng maging operational ang Virac Public Market sabi ng alkalde ng Virac. Ang tanong, ito na baa ng katapusan ng sakit ng ulo ng mga vendors na matagal ng nagti-tyaga sa kanilang mga pwesto? How long is temporary? Ayon sa alkalde, temporary is about to end..hikhikhikhik!

***********

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.