Masusuma na kaya ni Senator Sonny Angara ang jinks sa Department of Education sa mga politikong naninilbihan sa naturang ahensya? Nitong nakalipas na linggo, ganap ng pinangalanan ni PBBM ang senador na siyang papalit sa isa ring abugadong politiko na nasunog dahil sa confi fund kung kayat umalis kaagad hindi pa man nag-iinit sa upuan..hikhihihik!

Kung hindi hihingi ng confidential fund si Angara, posibleng hindi siya masunog at kung hindi niya gagamitin ang DepEd sa kanyang political ambition, sure na magiging magaan ang mga susunod na araw. Kung sabagay, maganda naman ang credentials ni Angara kumpara sa kanyang pinalitan dahil marami itong mga panukala hinggil sa edukasyon.

Ang yumaong Senador Raul Roco ay dito rin nagkaroon ng kontrobersiya dahil inakusahan siya ng kanyang mga katunggali na ginamit ang pwesto para sa political ambition kung kaya’t nagresign din. Sa kaso ni Angara, baka gumara na ang pamumuhay ng mga teachers at mapakinabangan na ang mga paaralan na nakatiwangwaang sa ngayon. Baka hindi narin magsolicit ang mga teachers dahil gagawan na ng paraan ng sekretaryo ang financial matters. Baka hindi narin bibili ng mga gamit sa rooms ang mga teachers dahil sa kakulangan dahil napupunta sa bulsa ng mga komisyuner..hikhihik! Masusubukan natin kung anong kapas ng senador na lumukso sa departamento sa kabila ng isang taon pa ang kanyang natitirang termino. Wawa naman yong kanyang iiwang pwesto para lang sa DepEd. Wala ng bang iba dyan na hindi nasa pwesto? Dapat may batas para ditto na ang mga senador bawat maapoint habang may natirira pang taon sa pwesto.

***********

Marami na ang nagrereklamo dahil sa mabaho umano ng merkado sa Virac? Tinatanong tuloy ngayon kung si Mayor ba ang President ng Mayor’s League kung bakit laging iniimbitahan sa mga okasyon sa buong lalawigan? Hikhikhiik! Eh, nasaan na ba ang market administrator na dapat siya ang alter ego ng alkalde? Heto tuloy, napupulaan ang alkalde na para ng gobernador na siyang nagiging kinatawan ng mga provincial offocials sa mga functions..hikhikhihk! Mabenta ngayon ang alkalde dahil maraming mga imbitasyon kahit sa simpleng okasyon. Ang kagandahan naman kasi, talagang todo bigay ang alkalde at galante umano? Praktis na siguro ito sa napapabalitang kanyang pagtakbo nilang kongresista na magiging katunggali ni Cong Leo at Pres. Patrick..hikhikhikhik!KITA KITSS MGA KAPERYODIKO!

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.