Isa ang kongresista ng Albay na si Congressman Edcel Lagman sa mga kumukwestyon sa “Bayanihan Heal as One Act “ dahil sa mabilis na pagkakapasa nito na hindi dumaan sa kaukulang proseso.

Ayon sa fiscalizer na Bicolano solon, illegal ang pagkakapasa dahil walang suspension of rules umano para susugan ang bagong Sistema ng botohan sa pamamagitan ng viber o iba pang Sistema.

Ayon kay Lagman, session in-absentia ang nangyari at walang basehan ito upang pahintulutan sa kabila ng urgent ang naturang panukala. Hindi umano sa kontra sya sa pag-apruba kundi dahil sumusunod pa rin sa proseso as provided for by the Constitution.

Kaya lang, ang sabi ng ibang kongresista, gumawa nalang siya ng remedy sa korte sa suprema para questionin ang batas..hikhikhikhik!

Sa senado si Senator Risa Hontiveros din ang hindi bumutong  pabor dahil masyado umanong general ang mga provision at hindi specific. Bagamat meron umanong COA, subalit dumadaan ito sa ibayong scrutiny.

Aniya, sa kabila ng emergency measures, kailangan hindi rin nalalabag ang batas lalo na ang constitution. Hindi umano dapat maging skipgoat ang sitwasyon para pagsamantalahan. Ito rin umano ang paraan upang hindi matempt ang sinumang magpapatupad na baka kalaunan maging gatasan..hikhikhikhik!

Tama nga naman, ang invocation ng senador ang kanyang pakiwari, eh baka ang solusyon sa COVID 19 ay maging “COPIT 19”..hikhikhikhik!. Kahit gaano kaseryuso ang problema, hindi nawawala ang mga kawatan na laging kitaan at utakan ang laman ng kokoti. Kung may magandang kabuhayan kasi siyampre, kikita, at kung maganda ang kitaan, bukas makalawa kitang kita ang kita..hikhikhikhik!

OO nga, nagsisimpatiya tayo sa tunay na sitwasyon na halos lahat tayo nakatunganga at nagkukumahog upang mabigyan ng kaukulang solusyon ang problema, kaya nga lamang, maraming mga tao na merong mga maiitim ang budhi na laging eyes to the kurakot, basta merong lusot…hikhkhikhik!

Hindi nga natin pinaghihinalaan si Pangulong Duterte na kukurapin ito,  kaya nga lamang, ang mga galamay at mga alter ego ng presidente ang tumatrabaho para sa presidente. Merong mga transaction na hindi alam ng bossing, pero Malaki ang iniisip na kalanseng …hikhikhikhik!

Dapat, advance tayo mag-isip dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli! Di ba?hikhikhikhik!

*************

Lahat tayo nagdarasal na sana walang positibo sa lalawigan ng Catanduanes sa sakit na COPIT 19 este, COVID 19..hikhikhikhik!

Ang tanong, wala ba o meron? Ang tanong, papano natin malalaman na positibo o negatibo kung wala nga talagang testing kit para Makita kung sino ang meron o wala? Ang sagot, medyo matagal pa dahil kahit nga sa lalawigan ng Albay wala pa rin.

Pero, ayon sa bubuwit, lalagyan sa lalawigan ng Albay dahil apruba na ang Bayanihan law na merong budget na 275Bilyon.

Kaya ang pinakamainam na gawin, magdiskubre din tayo sa isla ng pang test, kasi kung walang darating , kahit maputi na ang ating mata sa kaka-akusa kung sino ang positibo o negatibo, aabutin tayo ng siyam siyam..hikhikhikhik!

**********

Kung marami ang nalulungkot, marami rin ang natutuwa sa salot na covid 19. Dahil kasi sa pandemic na ito, marami ang nabibigyan, lalo na ang talagang walang wala. Atleast, maraming dahilan ngayon kung papano makahingi ng tulong.

Ayon sa ilan, kung wala pang ganitong sakuna, hindi man lang siya mabigyan ng tulong mula sa pamahalaan. Kahit umano dalawa hanggang ilang kilos bigas, so far, maganda na at nabuksan ang alkansya ng pamahalaan para sa mga nangangailangan..hikhikhikhik!

Sa pinaka latest information, nagpapasikatan ngayon ang mga LGUs sa Catanduanes kung ilan ang ibibigay na bigas sa mga residente. Sa bayan ng Viga, tig isang sako umano ang kinakasa ni Mayor Bong Tarin, sa bayan ng Baras, tig isa rin pero staggered basis ang balak ni mayor Paolo Teves, sa bayan ng Caramoran, kalahating sako per household  naman kay Mayor Glenda Aguilar samantalang sa Virac ay apat na kilo per family head ang unang bugso ng relief operation.

Dito masusubok kung sino sa mga opisyal natin ang innovative, resources at may pusong mammon..hikhikhikhik!

Kudos sa mga alkalde at iba pang mga opisyal sa lalawigan na grabe ang effort upang matugunan ang pangangailangan ng publiko. Kasama sa ating mga pinupurihan ay ang mga health workers at mga frontliners. God Bless You all mga kaperyodiko!

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.