Napapanahon ang salitang “HUgas Kamay” ngayong panahon ng ng COPIT, este COVID 19.

Ayon sa Department og Health (DOH), ugaliing maghugas kamay ang ating mga kababayan upang makaiwas sa killer na COVID 19. Dapat din umanong, hindi lang basta hugas, kundi dapat kakanta ka pa ng “happy birthday” dahil dapat meron ding oras kung hanggang kelan at hindi lang nagbasa ng tubig at meron sabon okey na.

Sa kabilang dako, dahil nauuso ang “hugas kamay”, pinakaunang naghugas kamay ngayon ay ang China na sinasabing, hindi peke ang kanilang mga nadeliver na testing kit sa bansa..hikhikhihikhik! Meron kasing nakalusot na nagpositive, subalit binawi kalaunan dahil nagkamali umano ang testing facility..hikhikhikhikhik!

Ayon sa ating bubuwit, ang ginamit na testing ay padala ng china..hikhikhhik! Kayo naman, hindi na nadala,  matagal na kasing well known sa mga pekeng bilihin, hindi pa ninyo kinilatis ng maigi..hikhikhikhik!

**********

Dapat, pag-aralan ng maigi ang mga hakbangin ng pamahalaan hinggil sa tamang approach sa COVID 19. Dapat de numero, para pagdating ng panahon, walang hugasan ng kamay.

Sa mga barangay, dapat, accounted ng mga Punong Barangay yong binibigay na mga relief good mula sa munisipyo maging probinsya, dahil baka naman kayo ang mapag-buntungan ng mga nangggagalaiting mga residente.

Sabi nga sa kasabihan, ang taong gipit, sa patalim kakapit. Baka naman, merong mga nalalampasan diyan sa lista dahil dating katunggali at kagalit..hikhikhik! Huwag nating tingnan ang political affiliation ngayon, bagkus, kung sino ang nangangailangan.

                Kahit na medyo social sa buhay ang ilan sa ating mga residente, dapat ilista pa rin, dahil, pwede naman nilang ibigay sa kapitbahay o sa kanilang mga kasambahay kung hindi nila kailangan. Atleast, hindi maghinanakit na hindi naabot ng serbisyo ng tulong mula sa gobyerno. Remember, ang may malaking bahay ay hindi sukatan na laging meron sila. Marami sa mga may malaking bahay, walang pagkain dahil sila ang mga tapidero..hikhikhik Naubos lahat sa semento at bakal ang pera..hikhikhik!! Ang mga negosyante, sila ang mga tapidero..hikhikhikhik! Karamihan ang mga ibinibigay ng mga ito yaong sobra sa kanilang bulsa..hikhikhikhik!

**********

Sundan ko lang yong bubuwit natin last issue tungkol sa COPIT 19 este, covid 19..hikhikhikhik! Ingat din pamin-minsan ang mga incharge sa mga relief goods, baka naman merong mga kupitero, kupitera diyan..hikhikhikhik!   Sa panahon ng kaigipitan, sure yan na meron ding mga nagbabalak ng masama at kung papano makakakupit sa kaban ng bayan. Remember, mabilis ang karma..hikhikhikhik! Huwag sana kayong tamaan ni covido dyesenwebe..hikhikhikhik!

***********  

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.