Virac, Catanduanes – Dakong alas-5:30 ng hapon ng Marso 26 ngayong taon, arestado ang negosyante sa bayan ng Virac matapos mahuling  nagbebenta ng mamahaling medical products sa panahon ng Enhanced Community Quarantine.

Kinilala ang suspek na si Frankreton Dy, 40-anyos, kasal, self-employed,  residente ng San Pablo, Virac, Catanduanes.

Sa ulat ng Virac MPS, nagsagawa ang buy-but operation sa pinagsanib pwersa ng nasabing pulisya na kung saan napag-alamang nagbebenta umano ng ethyl alcohol sa halagang ₱1,200.00 kada isang galon, lagpas sa Suggested Retail Price (SRP).

Kinumpiska na ng kapulisan ang ibinebentang mga alcohol ng nasabing negosyante at                                                            mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 7581 o Price Act na may kaugnayan sa RA 71469 (Buy-Bust Operation). (Patrick Yutan)

Advertisement