Virac, Catanduanes – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol ang pinakaunang pasyente na naging positibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Catanduanes.

            Dakong alas 6 ng umaga nitong Abril 19 nang ilabas ang resulta bilang ika-25 pasyente sa Bicol Region ang isang 63 anyos na babae na may history travel mula sa Japan at dumalo sa kaarawan ng kanyang 95 anyos na tatay.

            Sa press conference sa kapitolyo noong Linggo, Abril 19, kinumpirma ni Dr. Elva Joson ng Rural Health Unit (RHU) Virac, na may history travel ito sa Japan dahil doon nagtatrabaho, Nanggaling umano ito sa  Imus Cavite, sumakay sa Isarog Bus, sumakay sa 2nd trip ng Calixta at dumating sa lalawigan ng Catanduanes noong Abril 7.

            Batay sa contact tracing, Marso 9 nang dumalo pa umano ito sa Clan Reunion sa Garden Resort, Brgy. Antipolo Del Sur. Marso 11 naman nang magtungo sa Barangay Hitoma sa isang salu-salu. Sa source ng Bicol Peryodiko, halos limang oras umano sila sa naturang barangay at bumalik na sa bayan ng Virac.

            Marso 11 umano nang dumating sa Virac nang makaramdam ng sintomas ng lagnat at pag-uubo, kung kaya’t kinaumagahan, Marso 12 nang magtungo ito sa EBMC para sa checkup at nagpa-confine.

            Kinumpirma naman ni EBMC Hospital Chief Vietrez Abella na naconfine ang pasyente sa loob ng anim na araw. Marso 18 umano nang madischarge matapos gumaling na ito. Ginawa umano ang pagpapalabas sa pasyente batay na rin sa koordinasyon sa local Epidemiology dahil pending pa ang resulta ng swabbing.

            Home quarantine umano ang naging abiso  ng hospital at hinatid pa umano nila ito ng ambulansya sa bahay. Asymptomatic umano ang pasyente, kung kaya’t inabisuhan pa ring sumailalim ito sa self-quarantine at nasa ilalim umano sa monitoring ng RHU sa pamamagitan ng Batangay Health and Emergency Response Team (BHERT).

          Noong Marso 13, nagkaroon umano nang magkaroon ng swabbed for COVID-19 testing  at ipinadala ito sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa, subalit hindi dumating ang resulta kaagad.

          Ayon naman kay Dr. Chet Panti ng Catanduanes Provincial Health Office, ang unang swab umano ay walang naging resulta dahil ang mga kinolektang specimen ay hindi sapat, kung kaya’t inulit ang procedure noong Abril 16, isang buwan matapos kunan ng swab ang pasyente at nitong Abril 19 nang ilabas ang positibong resulta.

           “During the swab, the healthcare workers were on personal protective equipment (PPEs). However, she was regularly visited by a nurse, whom I asked to isolate just to be sure,” paglalahad ni Joson.

            Ayon naman kay Hospital Chief Vietrez Abella ng EBMC, matapos ang anim na araw nang maconfine ang pasyente at gumaling na ito, isinailalim umano nila sa self-quarantine ang mga empleyado na nagkaroon ng direct contact sa pasyente. Isinailalim din umano sa 14 days quarantine ang mga empleyado at wala namang naging sintomas hanggang sa ngayon.

            Nag-apela naman si Provincial Health Officer Hazel Palmes ng pag-unawa at respeto sa mga pasyente ng ganitong oras ng sakit. Dapat umanong maiwasan ang diskriminasyon, bagkus encouragement upang hindi maapektuhan ang saloobin ng mga pasyente.

            Nanawagan din si Acting Governor Shirley Abundo sa mga mamamayan na maging mahinahon sa mga impormasyon. Siniguro nito na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang mga precautionary measures upang mahadlangan ang banta sa buhay ng mga mamamayan. Dapat umanong sumunod sa ipinapatupad na polisiya ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat nito.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.