Labis labis ang pasasalamat ni Patient 82 sa panginoon dahil sa ikalawang buhay at pagkakataon na gumaling sa sakit na COVID-19.
Nagpasalamat din siya sa mga taong nasa likod ng kanyang medication sa loob ng halos isang buwan sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng San Miguel sa pangunguna ni Mayor Francisco Camano at Municipal Health Officer Lilian Olfindo sampu ng mga kasamahan nito sa Rural Health Unit na masayang nagbahagi ng kani-kanilang masayang mensahe bago ito tuluyang makalabas sa kanyang quarantine facility.
Lumikha ng kontrobersiya ang pagtanggi ng ilang govt hospitals sa lalawigan dahil sa umanoy protocol sa mga covid-19 patients. Dahil dito, inako na lamang ng LGU San Miguel ang pagpapagamot sa pasyente.
Si patient 82 ay ideneklarang RECOVERED na matapos mag negatibo sa ikalawang swab test na inilabas ng DOH kahapon.
Siya ay binigyan ng makulay na seremonya sa extension office ng RHU kaninang umaga.
Photo by Lgu San Miguel