San Andres, Catanduanes – Negatibo ang resulta ng pinakahuling swab test ni Bicol Patient # 83 noong Hulyo 2, 2020.

             Ito ang kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction Mgt. Council (MDRRMC)  San Andres batay na rin sa impormasyon mula sa Department of Health (DOH).

            Ito ang pinaunang negative result mula nang maideklara itong patient 83 ng DOH noong Hunyo 13 kasunod ni patient 82 ng San Miguel.

            Si patient #83 ay kasalukuyan nasa monitoring ng LGU sa kanyang isolation facility sa San Andres at inaasahang oobserbahan ito hanggang ganap na maging negatibo sa susunod pang confirmatory test.

            Dumating sa Catanduanes si patient 83 noong Hunyo 8 kung saan kasabay nito sa byahe ng OWWA rented bus pabalik ng Isla si Patient 82 ng San Miguel, Catanduanes na una nang naging positibo noong Hunyo 9, isang araw matapos dumating sa lalawigan.

            Samantala, muling kinunan din ng swab sample si patient 82 nitong Hulyo 2 para sa confirmatory test.

Advertisement