Virac, Catanduanes – Inilabas na ng lokal na pamahalaan ng Virac ang truck ban schedule para sa mga van at at trucks na pumapasok sa poblacion, partikular sa mga rush hours.

Nagkaroon na ng pagpaskil sa Gogon waiting shed, sa Virac Pilot Elementary School at may Virac Fountain  ang LGU para sa kaalaman ng publiko.

Ito ang kinumpirma ni Virac Mayor Posoy Sarmiento, kung saan inaprubahan ito sa pamamagitan ng Sangguniang Bayan para ma-regulate, partikular ang mga six-wheeler trucks at kaparehong maging mga heavy equipments.

Nakasaad sa ordinansa na bawal na umanong dumaan ang mga truck sa bahagi ng JMAMES, CNHS at Virac Pilot ES kapag school days mula 6:30 hanggang 7:30 ng umaga, mula 11:30 ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon at 4:30 hanggang 5:30 ng hapon.

Layunin ng nasabing ordinansa ay upang mabawasan umano ang mabigat na daloy ng trapiko sa nasabing lugar, mas maging maayos at mabawasan ang anumang aksidente.

Ayon sa ordinansa, pwede umanong dumaan ang nasabing mga sasakyan kapag araw ng Sabado at Linggo especially Holidays.

Samantala, lahat na truck lalo na ang delivery vans ay maaari umanong mag-park during loading and unloading sa may primary at secondary roads sa loob ng Poblacion Area mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon at 6:00 ng gabi onwards.

Ang sinuman na lalabag sa nasabing ordinansa ay magbabayad ng limang daang piso (Php 500.00) kada violation sa nasabing ordinansa. (PATRICK YUTAN)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.