Isa umanong miyembro ng board ngayon ang gino-groom para maging katunggali ng incumbent VG sa susunod na halalan?

Ayon sa ating bubuwit, tila ipinapakilala na ng kanyang magiging running mate sa mga okasyon, kaya’t duda ng ilan, parang non-negotiable ang pagkawatak-watak ng “tamang timpla sa isla”? hikhikhik!

Anyways, wala namang monopoly of ideas at karapatan sa pagkandidato. Sabi nga, the more, the merrier. Kung ganun, magiging exciting ang labanan sa pagkabise  sa susunod na halalan..hikhikhikhikhik! Abangan..

**********

Nagkagirian umano sa session ang ilang konsehal sa isang bayan dito sa islang kayganda, matapos emotional na magkasagutan sa isang sihong de motion.

Ayon sa ating bubuwit, meron di umano kasing isang konsehal na gusto pakyawin na lamang ang maraming motion para sa authorization sa alkalde.

Hirit umano ng isang konsehal, bakit tila pinapakyaw na nito ang lahat na mga mosyon samantalang meron pa namang mga dilat ang matang mga konsehal? hikhikhikhik! Ayon sa isang konsehal, dapat spread the sunshine ..hikhikhikhik! Heto tuloy, di kalaunan, nagwalkout ang isang konsehal kasi nga tila napahiya rin siya sa tinuran ng isang matinding konsehal…hikhikhihik!

Clue, ang konsehal ay batikang SB member  at ang mga kumuwestyon sa motion ay ang isang positibo sa  HIV, hair is vanishing..hikhikhikhik!

********** 

Tila maraming nahuhumaling sa mga kabataan lalo na sa mga mag-sing-irog sa Virac Boulevard. Sa bawat, araw na ginawa ng Diyos, tila daming mga nagdi-date sa kahabaan ng bagong boulevard mula sa barangay Salvacion patungo sa  tapat ng concepcion.

So far, maganda rin talagang magpahangin sa naturang lugar, kaya’t maraming mga tambay sa naturang lugar.  

Ayon sa isang observer, noon,  panay kontra niyo kay dating Cong. Cs, ngayon, ala imik..hikhikhikhik! Continuing din umano ito at si Cong Hector narin ang  nagpapatuloy ng project. Teka, papano nga ba ang sistema sa credit kung sino ang dapat bigyan ng mas malaking pangalan sa proyekto? Hikhikhikhik!

Ang napapansin ng ilan ay tila baga, wala man lang ng sitador sa lugar samantalang, maraming mga ito ay hindi nag-oobserve ng health protocols kagaya ng pagsulot ng facemask, social distancing at maraming pang iba.hihikhikhi! Inviting kay covid naturang sitwasyon.hikhikhikhik!

*********

Teka, tila buhay na buhay at nagiging aktibo na ang social media ngayon ni Cong Hector, mula ng dumating ito mula sa Maynilang kayganda. Noon kasi, tila wala umanong hilig sa facebook ang ilan sa kanyang mga tauhan, kaya’t hindi alam kung tumatrabaho  ba ito sa kongreso o laging nasa komite de silencio pabor para sa islang kayganda? ..hikhikhikhik!

Ang sabi ng solon, marami raw siyang mga proyekto at mga hakbang sa Congress at palagiang tinututukan ng camera, kaya nga lamang, mahiyaan yata ang kanyang mga staff na ipagsigawan ang kanyang mga pinagagawa pabor sa pipol of Catanduanes..hikhikhikhik!

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.