Virac, Catanduanes – Ilang araw matapos mailabas ang namatay na covid-19 patient sa Immaculate Heart of Mary Hospital, pansamantalang isasarado muna ito sa mga pasyente sa loob ng isang linggo.

Ayon kay Medical Director Dr. Rommel Valen, simula Lunes (Agosto 17) temporary closed muna sila upang magsagawa ng disinfection at fumigation sa buong hospital at inaasahang babalik ang operasyon sa Setyembre 1 upang masigurong ligtas ang mga empleyado maging mga pasyente.

Matatandaang, noong Sabado, Agosto 15 nang mamatay si patient 649 dakong alas 2 ng madaling araw dahil sa “Acute Respiratory Failure, community acquired Pheumonia HR, Covid-19”.

Isinailalim naman ng management sa quarantine ang umaabot sa siyam (9) na  empleyado na siyang nag-assist habang ginagamot ang pasyente.

Una nang isinapubliko ni Dr. Alvin Ravalo ang kanyang exposure sa pasyente dakong alas-1:15 ng madaling araw noong Agosto 15 kung kaya’t deretsu na siyang sumailalim sa quarantine mula sa hospital. Maging kanyang private clinic ay pansamantalang isinara para sa health security reason.

Samantala, pinawi naman ng IMAC management ang pangamba ng publiko sa pagpapagamot sa kanilang ospital. Ayon kay Dr. Valen, para mawala ang stigma ng publiko gagawin nila ang komprehensibong disinfection at fumigation sa kabuuan ng hospital maging mga kagamitan.

Ayon sa opisyal, mahigpit ang kanilang health protocols kung kaya nasisiguro nilang walang magiging pangamba sa pagbabalik operasyon nito sa susunod na linggo.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.