Virac, Catanduanes – Dahil sa pagtatapos ng termino ni President Minerva I. Morales, itinalaga bilang bagong Officer-In-Charge ng Catanduanes State University (CatSU) ang Regional Director ng CHED Regional 5 na si Dr. Freddie Bernal.
Si Dr. Freddie Bernal, anak ng yumaong si Prof. Pedro Bernal, dating propesor ng CSC College of Education noong 1980s. Si Dr. Bernal ay kapatid nina retired CBA Prof. Edna T. Bernal at Virac MSWDO Jane B. Triumfante.
Nakagtapos siya ng cum laude sa CSC College of Education, accountant ang asawa nito sa Angeles City, Pampanga, may dalawang anak na nag nagtatrabaho sa Philippine Genenral Hospital (PGH) bilang emergency doctor at isang nagtatrabaho sa Saudi Arabia.
Si Dr. Bernal ay kasalukuyang Regional Director ng Commission on Higher Education (CHED) na nakabase sa lungsod ng Legazpi, Albay. Siya ay ipinanganak sa San Miguel, Catanduanes at alumnus ng CatSU. Recipient din siya bilang Outstanding Catandunganon Award sa larangan ng Education. Naging Regional Director din siya sa Cordillera Administrative Region (CAR) at sa Central Visayas Region noong 2014.
Sa isinagawang general conference sa CatSU Gymnasium noong Agosto 7, mainit na tiananggap ito ng mga school officials. Pinangunahan ito ng mga Vice-Presidents for Academic Affairs, Finance and Administrative Affairs, and Research, Extension and Production Affairs, Campus Administrator sa Panganiban at mga Deans, Directors, Laboratory School Principal maging mga Chief of Offices.
Pinangunahan ni Dr. Minerva I. Morales, SUC President III ang mainit na pagtanggap sa officer-in-charge. Para lubos na makilala si Bernal, nagkaroon ng question and answer portion hinggil sa mga priorities nito sa paaralan.
Bago itinalaga ang bagong OIC, una nang nagkaroong ng special board meeting ang Board of Regents (BOR) ng CatSU noong Hulyo 30, 2020. Ayon sa impormasyon, nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan kung sino ang itatalagang OIC.
Samantala, nagkaroon naman ng unanimous decision ang Board of Regents (BOR) at si Bernal nga ang napiling italaga sa naturang pwesto. Nagsimula ang kanyang appointment noong Agosto 1, batay na rin sa Referendum Letter No. 4, S. 2020.
Sa pagsasalita ni Bernal sa harap ng mga opisyal ng CatSU, sinabi nitong maraming dapat pagtuunan ng pansin ang CatSU.
Ayon sa kanya, dapat panatilihin ang pagiging green university ng paaralan, Research University at ang pagpapalakas sa research production at iba pang aspeto sa loob at labas ng campus upang mas pang makilala ang unibersidad sa buong bansa. (Ulat ni Patrick Yutan)