Inihayag ni Mayor Peter Cua na may local transmission na sa bayan ng San Andres.
Ayon sa alkalde, ang naitalang pangalawang kaso ng Covid-19 sa kanilang lugar, 36-anyos na babae mula sa barangay Cabcab, ay walang history of travel sa labas ng probinsya. Tanging Virac-San Andres lamang ang ruta nito dahil regular aniya itong nagda-dialysis.
Matapos matanggap ang balita mula sa DOH kaninang umaga ay inilockdown aniya nila ang bahagi ng lugar sa may residensya nito at agad na pinasimulan ang contact tracing.
Nang tanungin ito sa posibilidad na ma-admit ang pasyente sa ospital dahil sa iba pang sakit ng pasyente ay naibahagi ng alkalde na una na pala itong na-confine sa EBMC.
โIni kaya naconfine na. Nagkaigwa sya symptoms kasu last week or two weeks ago, na-confine na sya sa EBMC, kaka discharge lang yesterday. Actually yung symptoms nya nawara na. Narahay na sya, kaso na delay yung swab nya, pinadara pa sa Leyte, this morning lang nagluwas eh nakauli na sya.โ
Kaugnay naman ng pagda-dialysis nito, ay nakipag-coordinate na aniya sya sa CDHI. May itinalaga na rin aniya siyang sasakyan na gagamitin sa paghahatid-sundo sa pasyente.
Inilagay kaagad sa ย isolation facility ang pasyente na ginamit sa una nilang covid patient na gumaling na.
โClosely monitored siya duman kan JMA hospital. Harani lang ang distansya kaito duman. Habo ko po muna na maadmit ini, pag kaipuhan na lang talaga ta habo ko man ma-compromise din su safety kan mga tawo sa ospitalโ.
Tiniyak ng alkalde sa mga Calolbonganons na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat para tugunan ang problemang kinakaharap.
( via Juriz Alpapara #RadyoPilipinas /LGU San Andres)