Dr. Despi

Virac, Catanduanes – Positibo ang pananaw ni DepEd Supt. Danilo Despi sa naging desisyon ng pamahalaan na iurong ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5 mula sa orihinal na Agosto 24.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko, sinabi ni Supt. Despi na pagkakataon ito upang muling rebyuhin at palakasin pa ang paghahanda at kapasidad lalo na pagdating sa mga modules, paaralan at kaalaman mga guro sa new normal teaching.

Una nang sinabi ng opisyal na all set na ang DepEd Catanduanes sa pagbubukas ng klase ngayon Agosto 24

 Ayon sa kanya bagamat hindi sapat ang pondo na inilaan sa Catanduanes ng regional office na umaabot sa 31M, subalit sa tulong ng mga LGUs at mga sektor nababawasan umano ang kanilang pasanin.

Pinasalamatan nito ang mga generous individuals na tumutulong sa mga pangangailangan ng paaralan. Welcome umano ito sa kanila. Ito ay epektibong collaboration aniya bilang bahagi ng tinatawag na espirito ng bayanihan.

Suportado nito ang ginagawang effort ng mga guro na makipag-ugnayan sa mga grupo o individual para matulungan sa hindi naabot ng pondo ng pamahalaan.

Nilinaw nito na buluntaryo at hindi sapilitan ang donasyon. Bahagi aniya ito ng tinatawag na “Brigada eskwela”.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.