Ninilaw ni Governor Joseph Cua na exempted ang mga essential workers, government workers at frontliners sa pagkuha ng barangay pass.
Ito ay batay sa ipinalabas na Executive Order ng gobernador noong isang linggo bilang bahagi ng mahigpit na hakbang laban sa covid-19.
Sa direktiba na ipinalabas sa social media, binigyang linaw ng opisyal na ang nasabing barangay pass ay para sa mga nasa edad 21 hanggang 60 taong gulang na hindi essential at government worker o frontliner.
Ang mga lalabag umano sa naturang kautusan ay mapaparusahan sa pamamagitan ng mga existing ordinances ng Sanggunniang Panlalawigan, Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay.
Inatasan naman ng gobernador ang mga Sanggunian hanggang sa mga barangay na sakaling wala pang naipapasang ordinansa, kailangan susugan ito upang matagumpay na maipatupad ang health protocols sa lalawigan.
Samantala, noong Sabado, inamin ng ilang alkalde na hindi pa umano nakarating sa kanilang tanggapan ang kopya ng Executive Order ng Gobernador.
Ayon sa ilang alkalde, sa social media pa lamang nila nakita ang Executive Order at hindi pa opisyal na naita-transmit sa kanilang tanggapan. Papag-aralan din aniya nila ito upang maging polido ang magiging hakbang ng implementasyon.
Ilan sa alkalde na ayaw ng magpabanggit ng pangalan, sinabing, dapat umano nagkaroon ng konsultasyon sa kanila ang gobernador bago ito ipatupad.
Hindi umano pare-pareho ang approaches ng mga alkalde sa pagpapatupad ng mga hakbangin lalo na ang usapin sa sistemang “ehance community quarantine”.
Kung magpapatupad umano ng Barangay Pass at lilimitahan sa ilang tao lamang ang paglabas ng bahay sa bawat araw, dapat meron umanong kaukulang suporta ang pamahalaan hinggil sa basic needs ng mga residente.