Nakakapanlumo ang aking narinig at nakitang reyalidad sa isang ospital sa lalawigan. Ito ay ang hindi pinalabas na umaabot sa labing apat (14) na pasyente dahil hindi nakabayad ng Professional fee (PF)? Ganern? Hikhikhikhikhik! Overrrrrrrrr! Kawawang poor people sa islang kayganda!

Over the bakod naman ang naturang diskarte na tila baga wala ka ng karapatan mabuhay dahil ipinanganak kang walang pera sa mundong ibabaw?

Ano ang nangyari sa management at kung bakit ganito na lamang kasidhi ang pagpupunyaging makakolekta ng pera sa mga taong hindi kayang bayaran ng isang bagsakan ang pagkakasadlak sa kumunoy dahil sa kanilang kapalarang maging mahirap? Ganito na ba tayo sa islang kayganda?

Ayon sa ating bubuwit, nangyari ang naturang sitwasyon matapos maglockdown ang OB ward ng EBMC at siyempre, no other choice hahanap ka ng mapupuntahan at kailangang lumabas sa tiyan yaong mga sanggol na natiyempo at pinagpalang lumabas sa panahon ng pandemya..hikhikhikhik!

Ang siste, Professional fee pala ang naging hadlang kung bakit hindi nakalabas ang mga pasyente. Okey na raw sa management na staggered basis na lamang ang ibang bayaran, subalit ang PF talaga ang dapat huwag kalimutan? Hikhikhihik! Kabilin-bilinan pala ito ng mga lolo at lola niyong mga doctor? Hikhikhik!

Dahil hindi mo pa nababayaran yaong PF, hindi ka muna lalabas, sabi ni  Kim Chu..hikhikhikhik!

Sa nakalap na impormasyon ng inyong bubuwit, pinakiusapan sana ng isang doctor ang management na kung pwede kahit 50 percent lamang muna ang bayaran ng mga pasyente sa doctor dahil talaga namang super mahirap pa sa daga ang ilan sa mga ito. Mantakin mong, ilang pasyente, humigit kumulang nakaka-imbwernang150,000 ang dapat bayaran? Hikhikhikhikhik!

Itsus Maria Utsep, Dios Ko Ginoo. Muntik ng mahulog ako sa aking upuan nang marinig ko ang kwesto. Muntik din dugin pa ang ilang pasyente. Eh kahit mayaman nga, 30k nahihirapang bayaran ang ganung dolyar na bayaran..hikhikhikhik! ito pa kayang mga Pobreng tikoy? Hikhikhik!

Hay naku! Pakiusap sa mga pinagpipitaganang mga Salvado na Doktor,  tila yata masyadong dolyar naman kayo makapaningil samantalang merong kayong discretion kung magkano ang magiging presyo niyo. Tatanggapin pa kaya kayo ni San Pedro sa langit?

Sana naman makonsensya kayo sa hinagpis ng mga mahihirap sa islang kayganda. Sana naman, magkaroon kayo ng reflection na ang buhay ay whether2 lamang. Bukas makalawa, baka dumating ang paniningil ng Diyos, eh bigla na lamang kayo mahulog sa kudkudan…….(edited) hikhikik!. Madadala niyo ba sa langit ang inyong kaperahan? Hikhikhikhik! Mghunos dili naman kayo kaibigan….

***********

Paalala sa mga kinauukulan, sana mabasa niyo ang bahagi ng batas na ito at magnilay-nilay kayo kapag may time..

“ALL HEALTH facilities, whether government-owned or private, are prohibited from refusing persons seeking medical help or from detaining them for nonpayment of hospital bills or medical expenses.

It is unlawful for any hospital or medical clinic to refuse administering to patients treatment and support that could prevent their death or permanent disability, according to Republic Act No. 8344, also known as the Anti-Hospital Deposit Law.

Violators of RA 8344 shall be imprisoned for six months to two years and four months, or fined P20,000 to P100,000.

If the violation is committed pursuant to an established policy of the hospital or clinic, or upon instruction of its management, the director or officer of the hospital or clinic responsible for the formulation and implementation of the policy shall be imprisoned of four to six years or fined P100,000 to P500,000.

Republic Act No. 9439, or the Hospital Detention Law, states that health facilities are prohibited from detaining patients who have fully or partially recovered because of nonpayment in part or in full of hospital bills.

A patient, who wants to leave the hospital, shall be issued the corresponding medical certificate and other pertinent papers required for his/her release “upon the execution of a promissory note covering the unpaid obligation.”

In the case of a deceased patient, the corresponding death certificate and other documents required for interment and other purposes shall be released to any of his surviving relatives.

Hayan, mga kaperyodiko. Kung malinaw pa ang mga mata nyo kaibigan nating mga sirs/madam,  sana naman matutu kayong maging makatao sa gitna ng nararanasang pandemyang ito. Kahit kayo pribado, meron din kayong social responsibility. Di ba secondary lamang ang income kaysa sa buhay at pagsisilbi sa bayan?

Sa panig naman ng EBMC, sana naman, meron tayong remedy sakaling merong nagpopositibo o nasa contact tracing ang isa sainyo. Eh, wala ba tayong plan A at plan B, maging Plan C para hindi magsisi? sakaling merong ganitong mga sitwasyon. Tanging lockdown lamang ba ang solusyon samantalang essential worker at institution kayo?

Dios Mio Pirdon. Bawat problema ay may solusyon.

Sabi nga, “Kapag ayaw, maraming paraan, at kapag ayaw, sandamakmak na dahilan”..hikhikhikhikhik! Maging resourceful tayo mga sirs/madam at hindi maging ….b…(mute) ..!

KITA KITAZZZ SA MCDO AT JOLLIBEE! MGA KAPERYODIKO!

Advertisement