Upang mas lalong masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga motorista at tao sa Pandan sa gitna ng pandemic, mahigpit na pagpapaigting sa RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code ang pagtutuunan ngayon ng bagong Chief of Police ng Pandan, Police Lieutenant Heraclio J. Vargas.

Ayon sa kanya, napakahalaga umano ang ginagampanan ng Land Transportation Act upang mas maibsan ang pagkalat ng virus

“Kailangan ng strict implementation para mas madaling ma-enforce ang law. Dahil pinakauna sa lahat, disiplina sa kalsada ang kailangan upang mas masunod ang [Inter-Agency Task Force on COVID-19] IATF health standards,” paglilinaw ni Vargas.

Ayon pa sa kanya, sinusunod lamang niya ang protocols at guidelines ng IATF tulad ng pagpapatupad sa pagsuot ng helmet, pagsuot ng face shield at face mask gayundin ang “No backriding policy” maliban sa mag-asawa at mag live-in.

“Pagdating ko kasi sa Pandan, masyadong complacent ‘yung mga motorista sa pagmamaneho kahit walang helmet gayundin sa backriding. Kaya, gusto kong sanayin sa tama at mas maging disiplinado ang tao,” dagdag pa ni Vargas.

Sa hiwalay na panayam, nagpaabot naman ng suporta si Alkalde Honesto C. Tabligan II ng Pandan sa paghihigpit at pagi-strikto ng bagong hepe na maging disiplinado ang mga Pandananon para maiwasan ang pagkalat ng virus.

“Nananatili pa ring COVID-free ang Pandan. Sana magsunod buda maki-cooperate ang mga taho. Mamandong na kita habang mie pa ga uran,” saad ni Tabligan.

Dagdag pa niya, kailangan din talaga umano ang disiplina sa sarili at pagiging responsable upang hindi makapasok ang virus sa Pandan.

Sa ngayon, strikto pa rin sa pagbabantay sa Quarantine Control Points (Cobo at Libod) ang mga pulisya upang mabantayan ang labas-masok sa bayan ng Pandan. (Kag.John at Kag.Col l lgu Pandan)

Advertisement