Legazpi City – Hinihintay ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Bicol ang opisyal na guidelines para sa hiring ng dagdag na contact tracers sa mga local government units (LGU)

            Sa panayam ng Bicol Peryodiko, sinabi ni Regional Director Anthony Nuyda na merong inilaang 5 bilyong pisong pondo para sa dagdag na 50,000 na contact tracers sa bansa bilang tugon sa patuloy na pagdami ng kaso ng covid-19.

            Sa kabila ng wala pang guidelines, pinahahanda ngayon ng opisyal ang mga LGUs para sa tracers team na siyang mangangasiwa sa mabilis at epektibong tracing ng mga nagiging positibo at nakahalubilo ng mga pasyente.

            Ang team umano ay existing na sa mga LGUs dahil kasama ito sa organic na siyang nagtatrabaho na sa ngayon.

            Sakali umanong pormal ng mailabas ang guideliens, mismong ang LGU rin umano ang mamumuno sa tracing team na ito.

Bilang chairman ng Bicol Inter-Agency Task Force, muling hinikayat ang publiko na sumunod sa mga health protocols na pinapapatupad ng mga kinauukulan upang hindi lumala pa ang sitwasyon sa Bicol.   Inamin ng opisyal na dumarami pa ang bilang ng mga nagiging positibo sa Bicol kung kaya’t hinigpitan na ngayon ng ilang mga lalawigan ang kanilang mga borders upang sitahin ang mga walang kaukulang dokumento. Dapat ganito rin umano ang ginagawa ng lahat na mga Local Chief Executive upang makontrol ang pagdami ng nagiging positibo sa naturang kaso.

Advertisement