Bato, Catanduanes – Mahigit sa dalawampu’t pitong libong pisong (27,162) halaga ng ilegal na kahoy o  271.62 board feet na umaabot sa 60 piraso ng narra ang nasabat ng pamunuan ng PNP sa bayang ito.

Dakong alas singko bente ng hapon noong Setyembre 8 nang isagawa ang operasyon sa Purok 2 Sitio Kamulungan, Brgy. Binanuahan, Bato, Catanduanes sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Bato Municipal Police Station at DENR-PENRO,

Arestado ang 40 anyos na suspek na si Jerry Ebuenga Traqueña, kung saan nakumpiska sa kanya ang isang yunit ng STIHL 5200 chainsaw na wala ring kaukulang dokumento.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa bisa ng Search Warrant No. 2020-03-R.

Pormal ng isinampa ang kaso sa suspek sa kasong paglabag sa Section 7 (4) ng R.A. 9175 (Chainsaw Act) at Search Warrant No. 2020-04-R para naman sa paglabag sa P.D. 705 (Forestry Code of the Philippines).

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.