Parehong balik operasyon na ang dalawang level 2 hospital sa lalawigan ng Catanduanes matapos magdeklara ng temporary closure dahil sa banta ng covid-19.

Ang Immaculate Heart of Mary Hospital ay bumalik ang operasyon nitong Agosto 30, halos isang linggo matapos magkaroon ng disinfection at fumigation dahil sa pagkakaroon ng pasyente na nagpasitibo at namatay.

Pinawi ng pamunuan ang pangamba ng publiko dahil ginagawa umano ng management ang kaukulang makakaya upang hindi masakripisyo ang buhay ng mga empleyado maging mga pasyente. Umaabot sa sobra sampu ang sumailalim sa self-qurantine para tapusin ang pagususri sa kalagayan ng mga ito.

Samantala, ang Catanduanes Doctors Hospital, Inc. ay pansamantalang nagsarardin matapos magpositibo ang isang dialysis patient mula sa bayan ng San Andres. Nitong Setyembre 11 nang muling inanunsyo na balik operasyon na ang kanilang pasilidad maging mga tauhan.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.