Virac, Catanduanes- Pumalo na sa anim-na-put-siyam (69) ang bilang ng covid-19 cases sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa ipinalabas na tracker ng Provincial Health office noong Setyembre 11, ang dalawamput dalawa rito ay aktibo. Ang bayan ng Virac ang may pinakamaraming kaso na umabot na sa 42 cases.

Nitong Biyernes (Setyembre 11) nang maitala ang pagpositibo ng tatlo katao. Dalawa sa Viract at isa sa bayan ng Caramoran. Nitong Lunes (Setyembre 8) nang maitala rin ang apat (4) na kaso, kung saan dalawa sa Virac at isa sa bayan ng San Miguel.

Mula sa dalawang nagpositibo sa bayan ng Virac nitong Setyembre 11,  isa rito ang  “engineer”, 24 anyos,  casual sa isang govt agency sa San Isidro Village (SIV) at residente ng Brgy. Pajo San Isidro. Isang frontliner medical doctor, 41,  naman ang ikalawang kaso na residente ng Brgy. San Isidro Village.

Sa bayan ng Caramoran,  isang “seaman”, 22 anyos na may travel history mula sa Japan ang nagpositibo sa Brgy. Tubli. Ayon kay Mayor Glenda Aguilar, nang dumating umano ito sa naturang bayan, sinalubong ito ng MDRRMO kaya’t kaagad itong nailagay sa quarantine facility.

 Ito na ang ikalawang kaso ng covid sa bayan ng Caramoran samantalang ika-42 naman sa bayan ng Virac.

Lima (5) ang nasa contact tracing mula sa bayan ng Caramoran samantalang nagpapatuloy ang isinasagawang contact tracing sa bayan ng Virac.

Sa kasong naitala noong Setyembre 8, tatlo (3) sa mga nagpositibo ay mula sa bayan ng Virac at isa ang naitala sa bayan ng San Miguel.

Sa bayan ng Virac, si Patient #1528, 48 anyos na babae, residente ng Barangay San Pablo. Si Patient #1529 naman ay 53 anyos na babae mula sa barangay Cavinitan. Pareho silang kasalukuyang naka-quarantine, habang si Patient #1531 ay 21 anyos na babae mula sa barangay San Vicente na admitted  sa ospital.

Sa bayan ng San Miguel, naitala ang ikalawang kaso ng Covid-19 ay si Patient #1530, 24 anyos na babae, residente ng Barangay Mabato at kasalukuyan ding naka-quarantine. Siya ay may travel history mula sa Pasig City. (Francis Benedict)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.