Virac, Catanduanes- Umaabot sa pitumput-siyam-anim-na-raan at tatlumput anim (79,636) na enrollees mula sa elementarya at sekondarya, Alternative Learning System (ALS) maging pribadong paaralan ang  nasa listahan na makikipagsapalaran para sa new normal classes sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa datus na ibinigay ni Mr. Rey Bonayon ng Department of Education (DepEd) Catanduanes, nitong  Setyembre 17, pitum-put-lima, anim na raan at siyam-na-put-apat (75,694) dito ay mula sa mga pampublikong paaralan, isang libu at labing pito (1,017) mula naman sa pribado, apat-na- raan-siyam-na-put tatlo (493) mula sa State University and colleges (SUC) at dalawang libu, apat-na- raan –tatlumput-dalawa ay mula sa ALS.

Sa Panayam ng Bicol Peryodiko kay Schools Division Superintendent Danilo Despi, isang Regional virtual kick off umano ang gaganapin sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Pangungunahan umano ito ni Regional Director Gilbert Sadsad ng Department of Education (DepEd) at merong mga kinatawan mula sa estudyante at mga magulang ang magiging bahagi ng kick off ceremony simultaneously sa buong rehiyon.

Ayon kay Dr. Despi, all set narin ang paghahanda sa mga gagamitin para sa unang salvo sa pamamagitan ng modular instruction materials.  Sa katunayan, excited na umano ang mga guro para sa bagong sistema ng new normal education matapos ang ilang buwang pagsasanay ng mga ito.

Umaabot sa tatlumput tatlong (33) milyong halaga ang pondong inilaan sa lalawigan para sa  modular instructions na gagamitin ng mga mag-aaral.

Sa bagong sistema, merong proseso ang modular instructions, kung saan weekly ibibigay ang mga modular materials sa mga magulang at estudyante sa pakikipagtulungan ng konseho ng mga barangay. Pagdating ng Biyernes ay kukunin muli ito para sa checking ng mga guro.

Nagpapasalamat Si Dr. Despi sa mainit na kooperasyon ng mga barangay officials maging mga local officials sa lalawigan dahil sa kanilang ibinahaging tulong para sa mga guro at mga estudyante. (Ulat ni Carl Buenafe)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.