Virac, Catanduanes – Kinumpirma ni DepEd School Supt. Danilo Despi na magsasagawa ng debriefing session ang mga guro sa pagbubukas ng klase sa mga esdudyante simula ngayong Oktubre 5.

Ito ang tugon ng opisyal sa ilang lumalabas na kontrobersiya sa pagiging stress ng mga estudyante at magulang dahil sa mga nababalitang requirements kagaya ng computer, laptop, tablet at maraming iba pa kakailanganin na hindi kaya ng bulsa ng mga magulang.

Una nang napabalita ang insidente ng suicide sa bayan ng Caramoran kung saan isang menor de edad ang nagsuicide dahil sa problema sa pag-aaral. Ayon sa opisyal inimbestigahan umano nila ito at problema sa pag-ibig ang naging dahilan.

Sa kabila nito, kailangan umano ang debriefing para maibsan ang pasanin ng mga estudyante at mga magulang sa new normal education. Wala umanong dapat ipag-alala ang mga magulang dahil dalawang klase umano ang ibibigay na module para sa kanila depende sa kanialng kakayahan. Kasama rito ang paper base module at ang computer based module na ibibigay sa pamamagitan ng USB.

Kinumpirma ng opisyal na all set na ang DepEd sa Catanduanes para sa pagbubukas ng klase. nagpasalamat ito sa mga local officials maging mga alkalde dahil sa full support sa kanilang mga kakailanganin sa pamamagitan ng school board para sa pasukan.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.