Virac, Catanduanes – Magiging prayoridad umano sa rental ng mga pwesto sa Virac Public Market ang mga Viracnon na matagal ng naghihintay matapos mahinto ng mahabang panahon.
Ayon kay Vice Mayor Arlynn Arcilla, bago ang pasko inaasahang mabubuksan na sa publiko ang merkado, batay na rin sa inaasahang pagtatapos ng retrofitting.
Dahil dito, ngayong Lunes (October 5) sisimula na ang public hearing ng komitiba upang konsultahin ang mga ito sa mga panuntunan na binuo ng Sangguniang Bayan at lokal na pamahalaan ng Virac hinggil sa rental fee at iba pang usapin.
Matatandaang, panahon pa ni dating alkalde Nenette Alberto naisara sa publiko ang kabuuan ng merkado dahil sa balaking magpatayo ng bagong merkado, bagay a tinutulan ng mga vendors.
Sa panahon ni dating Mayor Sammy Laynes nasimulan ang patrabaho rito. Maliban sa tulong ng DPWH, mula sa loan sa bangko ang bahagi ng patrabaho sa naturang merkado.