Gigmoto, Catanduanes – Isang 45 anyos na mangingisda ang natagpuang patay sa Barangay Dororian sa bayang ito noong ika- 29 ng Setyembre 2020.     

Batay sa imbestigasyon na isinagawa ng Gigmoto PNP, alas sais (6:00) ng gabi, noong Setyembre 28, 2020 nangisda pa ang mangingisda na kinilala lamang sa alyas β€œKano”,  kasama ang dalawang pinsan nito sa karagatang sakop ng Dororian.

            Ayon sa mga kasamahan,  mag-aalas nuwebe (9:00) na ng gabi ay hindi na nila makita ang kasamahan kung kaya’t inakala nila nauna na itong umuwi sa kanyang bahay.

            Mag-aalas nuwebe (9:00) na ng sumunod na araw, Oktubre 29 nang makita ng isang residente na palutang-lutang ang katawan ng nasabing mangingisda. Dinala ang labi nito sa Gigmoto Rural Health Unit para sa pagsasagawa ng Post Mortem Examination. (Dindin Tabirara)