Ang unang romesponde sa shooting incident kay Engineer Jess Albaniel maliban sa mga tanod at Punong Barangay ng Brgy Francia ay ang red Cross para dalhin sana sa hospital ang biktima ngunit dead on arrival na ito.
Ang tanong ng karamihan, nasaan ang mga rumuronda at astig na pulis sa gabi? Di ba alas 9:33 tanging mga pulis at tanod na lamang ang nasa kalsada, eh bakit naka-alpas sa kanilang hanay ang riding in tandem?
Ayon sa ating bubuwit, sinundan ang biktima habang sakay ito ng tricycle na minamaneho ng kanyang kapamilya na taga San Isidro village. Nakaligtas ang driver pero sapul ang kanyang sakay.
Ang hinala ng ilan, grabe ang lakas tama ng mga salarin na raratsada ng ganon na lamang ka-relax samantalang meron tayong curfew ng mga sumandaling iyon.
Sa madaling sabi, ang million dollar question ng mga observers, may timbre kaya ito sa ilang pulis duty natin sa Virac, kung bakit hindi man lang nadakip ang mga salarin? Hikhikhikhik!
Duda ang ilan na merong hiwaga sa pangyayari kung kaya’t walang sabit ang mga riding in tandem sa isla. Sila rin ba ang napag-utusang tepukin ang Besa brothers noong isang taon, kung kayat hanggang ngayon wala pang balita?
Sana ang mga pagdududang ito ay mapalitan ng tiwala mula sa publiko sakaling mabilis na mabigyan ng solusyon ang pinakabagong insidente. Okey ba Mr. COP Perez?
Ayon sa ating bubuwit, mathamatics nila ang eksena. Posible umanong merong bendisyon mula sa langit ang siste dahil masyadong malakas ang loob ng mga tirador..hikhikhikhik! Sino kaya ang nasa langit? Hikhikhik!
*******
Wala na umanong makakapigil pa sa pagbubukas ng klase ngayon Lunes, Oktubre 5. Ito ay ayon sa press conference ng DepEd noong Oktubre 1 na pinangunahan ni Supt. Danilo Despi
Ang tanong, kung all set na nga ang DepEd, all set na rin kaya ang mga estudyante? Ayon sa ating bubuwit, excited na rin aniya ang ilang estudyante, subalit ang nababahala ang mga magulang na siyang magiging tutor sa mga estudyante dahil wala ngang face to face learning…hikhikhikik!
Ayon sa isang magulang na abala sa kanyang trabaho, hindi siya titiyaga para turuan ng mga assignments ang bata dahil pagod na siya sa trabaho..hikhikhikhik! Kaw naman, eh, ngayon lang naman habang merong pandemya. Ipagdasal nating matapos na ang pandemya para si teacher na ang lahat na gagawa para saiyo..hikhikhikhik!
Pero, meron namang mga magulang na natutuwa dahil magiging valedictorian ang kanyang anak kung modular ang Sistema. Maliban kasi sa matuturuan niya, mai-tatransfer niya pa ang kanyang knowledge sa bata..hikhikhikhik Kaya, sure tayo na merong mga bata na magiging most improve dahil kamay ni nanay at tatay ang magiging bida sa eskwela..hikhikhikhik!
************
Unang issue pala natin ngayon linggo para sa saradong katorse anyos ng Bicol Peryodiko. Happy Anniversary mga Kaperyodiko! See you weekly! Muaahh tsup-tsup!