Virac, Catanduanes – Nahalal bilang bagong tagapangulo ng Catanduanes State University Federated Alumni Association (CatSu-FAA) si Atty. Ramlil Joselito B. Tamayo, alumna ng College of Arts and Sciences.

Si Atty. Tamayo ay tubong Bulalacao, Caramoran, Catanduanes at dating  naging pangulo ng College of Arts and Sciences bago siya nagtapos sa kursong Bachelor of Arts major in Political Science sa naturang unibersidad.

Dahil sa pagkakahalal bilang federated president magiging kinatawan si Atty. Tamayo ng alumni sa Board of Regents na maninilbihan ng dalawang taon.

Kasama sa mga nahalal bilang director mula sa mga colleges ay sina Fidel A. Vegim ng College of Education (Vice Pres), Eulalia T. Tulalian (Secretary) ng College of Business Administration, Jonathan B. Capsa (Auditor) ng College of Industrial Technology, Nestor SR Robles (Treasurer) ng College of Engineering,   Eduardo D. Pena (PRO) ng Panganiban Campus, Erickson T. Salazar ng College of Information and Communition Technology, Eddie S. Million ng College of Agriculture and Fisheries at Joel T. Olfindo ng College of Health and Sciences.

Kasama sa mga inilatag na plano ni Tamayo ay ang pagbubukas ng College of Law sa universidad upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nais maging miyembro ng Integrated Bar of the Philippines sa lalawigan.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.