Legazpi city – Magkakaroon ng extension payment ang Philhealth sa mga nasa formal sector o ang mga employers sa government at private sector.

Sa advisory #2020-034 ng Philhealth Regional Office 5 na pirmado ni Regional Vice President Henry Almanon pinalawig ang deadline ng pagbayad sa mga buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre, kung saan  itinakda sa Disyembre 31 ang huling pagbayad.

            Ang hakbang na ito ng PhilHealth ay bilang pagtugon sa sitwasyon ng mga apektadong lalawigan na sinalanta ng sunod-sunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses, kung saan nagdeklara ng state of calamity ang kanilang mga lokal na pamahalaan.

            Kasama sa sakop ng extension of payment ay ang mga lalawigan ng Catanduanes,  Albay, Cam norte, Masbate, Camarines sur kasama na ang Naga City.

            Matatandaang, una na nang naglabas ng extension of payment ang PhilHealth para sa mga Individually Paying Members (IPM) hanggang Disyembre 31, 2020. Ang magbabayad bago magpaso ang nasabing petsa ay walang penalty.

            Inabisuhan naman ng Philhealth ang mga employers na may makikitang penalty sa kanilang Statement of Premium Account (SPA) generation na impormahan ang Philhealth office sa pamamagitan ng letter request of adjustment, kalakip ang SPA na reflected ang penalty ganundin ang resibo kung nakapagbayad na ang mga  ito at ipadala sa email address na contri.philhealth,gov.ph.

            Pwede naman umanong magsadya sa tanggapan ng LHIO Catanduanes sa VTC, Gogon, Virac, Catanduanes o tumawag sa 092024-00003 sa iba pang mga katanungan.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.