Virac, Catanduanes  – Itinakda sa Enero 4, 2021 ang resumption ng first semester ng school year 2020-2021 sa Catanduanes State University (CATSU).

            Sa Memorandum na inilabas ni CHED Regional Director at CATSU OIC President Freddie T. Bernal, sinabi nitong magsisimula ang klase sa Enero 4 at magtatapos sa Pebrero 3, 2021.

            Para matugunan ang mga missed classes magkakaroon umano ng pasok sa apat na sabado. Sa Enero 9 at 23 magkakaroon ng klase para sa mga naka-eskedyul na  Monday at Thursday (MTh) samantalang gaganapin  sa Enero 16 at 30 ang mga naka eskedyul ng Tuesday at Friday (TF) classes.

            Ang mga scheduled classes umano ng Miyerkoles ay gagawin tuwing linggo (Sunday) na may petsang Enero 3, 10, 17, 24, 31 samantalang ang eskedyul ng Sabado ay gagawin sa Pebrero 6.

            Sa Pebrero 10 itinakda ang deadline para sa pagsusumite ng mga grading sheets. Nilinaw ng opisyal na wala pa ring face to face classes na mangyayari sa resumption ng klase.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.