Virac, Catanduanes—Bilang tugon sa madamdaming paglalahad ni Gobernador Joseph Cua sa tunay na estado ng lalawigan ng Catanduanes dahil sa bagyong Rolly,  inihayag  ni Bise Gobernador Shirley A. Abundo ang kanilang suporta sampu ng kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan.

            Ayon kay VG Abundo, hindi nila pwedeng hangaring bumagsak ang pamunuan ng gobernador dahil kasama silang maapektuhan ng impact nito.      

            “We will never wish for you to fall because kapag hindi ka naging successful, lahat po kami hindi rin successful”, mariing tinuran ng bise gobernador.

            “Gov, we are just a phone call away or a text away, lagi po kaming nasa katabi mo at isang text lang po o isang tawag, handa po kaming tumulong sa lahat nang pangarap mo para sa probinsya”, paglalahad ng opisyal.

            Aniya, tama ang mga tinuran ng gobernador na hindi na humihina ang bagyo kung kaya’t kailangang handa ang mga imprastraktura natin ng pamahalaan.

             Sanabi ng bise gobernador na “tatlong bagyo, pandemya at ASF ang dumaan sa ating probinsya kung kaya’t wala umanong leader ang matutulala at titingin na lamang sa apat na kanto nang kani-kanilang bahay sapagkat lahat umano ay biktima ng bagyo. Ang mga babay umanong ito ay hindi magiging dahilan upang hindi tugunan ang pangangailangan ng bawat isa.

             Pinuri rin ng bise gobernador ang mga provincial board members (PBM) sa kanilang pagsisikap na madugtungan ang mga itinutulong ng provincial government sa lalawigan nang Catanduanes.

            “Kailangan na po talaga nating tumayo para tulungan na pong maibalik ang sigla ng probinsya ng Catanduanes” , pagpapatuloy ng opisyal.

            Sumangayon din si Abundo sa pahayag ng gobernador na hindi lamang resiliency ang laging idadahilan upang matugunan ang pangangailangan ng mga Catandunganons sapagkat ang bagyo ay palakas nang palakas kung kaya’t mas matitibay na evacuation centers at buildings ang dapat i-construct sa ating lalawigan.

            Dahil dito, kanyang hinikayat ang Chairman, Committee on Infrastructure na makipag-ugnayan sa provincial engineer’s office (PEO) para pangunahan at maipatupad ang mga plano sa lalawigan ng Catanduanes.

            Ang  Sangguniang Panlalawigan umano ay marami pang dapat gawin at dapat iparamdam sa taong bayan na kanilang pinagkatiwalaan. Dapat umanong maramdaman na nariyan sila at handang tumulong at makiramay sa oras ng pangangailangan. (Ronamy Prolles)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.