Virac, Catanduanes –  Ikunuwento ni Gobernador Joseph C. Cua  ang chronology of events, partikular ang pananalasa ng bagyong Rolly noong Nobyembre 1, kung saan, ang Catanduanes mismo ang tinumbok ng bagyo.

            Sariwa pa umano sa kanyang isipan, eksaktong pitumput-walong (78) araw na ang lumipas  nang sapitin ang madilim na bahagi sa kasaysayan ng mga bagyo dahil sa mabangis na super tyohoon Rolly.  

            Sa kanyang “State-of-the-Province-Address (SOPA)” na ginanap sa 3rd Regular

Session ng Sangguniang Panlalawigan noong Enero18, 2021,  inilahad ni Cua ang kanilang ginawang masusing pagbabantay sa forecast ng Pagasa, kasama na ang

pagbabago ng direksyon at ang ginawang hakbang ng lokal na pamahalaan bago

ang bagyo, sa mismong gabi ng pananalasa at ang resulta ng pinsala.

             “Kasabay ng bawat pagbaba ng direksiyon ng bagyo ang malalim na

buntong hininga at mas malalim na dasal na sana magbago ang direksiyon nito.But it never did. Just before midnight of the same day, it was literally the calm before the storm. No rain. No strong winds. We slept with only the faintest idea of what will come the next day.

            Bandang alas dos ng umaga, nagsimula ng magparamdam ang ulan at hangin. Ayon sa huling bulletin, patuloy pa rin ang pagbaba ng direksyon ni Rolly patungong Catanduanes. Dahil sa lakas ng hangin at ulan, nawala ang impormasyon mula sa lalawigan matapos maputol na ang linya ng komunikasyon,”masusing paglalahad ng governador.

            “Mag-a-alas-singko ng umaga nang tuluyang lumakas ang bagyo at dahil sa bagsik nito,naputol ang telecommunication lines at signal sa probinsiya. From that point forward, we were isolated and disconnected from the rest of the country. And the rest of the country, especially the media, had no way of reaching us either”,pagpapatuloy ng gobernador.

            ”Halos labing-dalawang oras din kaming walang contact sa labas ng Isla nanaging sanhi sa pag-trending ng hashtag #NasanAngCatanduanes sa Twitter at Facebook. Saka na lang natin nalaman na tuluyang naging Super Typhoon si Rolly at ang Catanduanes ang kauna-unahang nakadama ng hagupit nito. The memories of Rolly’s onslaught will never escape me. Myself and Cong. Hector Sanchez were stationed at the Provincial Capitol during the typhoon,”paglalahad ni Cua.

            Ayon sa opisyal, masasabing, isa sa pinakamalakas ang bagyo na naghatid

ng malaking dagok sa mga mamamayan. “I remember the brutal downpour that would shake the ground as if it was an earthquake. Strong gusts of wind shattered the glass panes of most offices in Capitol. The devastation dragged for hours. And as the typhoon-response-team and I waited for the calamity to pass, fear and anxiety engulfed me, not for my own self-preservation, but because I cannot help but worry for the people of Catanduanes.”dagdag pa ng opisyal.

            Dahil sa bangis ng bagyo, hindi maiwasang mag-alala ang gobernador sa mga mamamayan na nasa coastal areas at pinanalig niya na lamang na sumunod sa kanyang panawagan ang mga mamamayan para sa kanyang kautusang force evacuation.

            “Di ko maiwasang isipin ang kalagayan ng ating mga kababayan na malapit sa tabing dagat at tabing ilog. O ang mga kapwa natin na nakatira sa barong-barong at mga bahaing lugar. Sa mga oras na hinihintay naming humupa ang delubyo, all I could do was hope that the people of Catanduanes heeded our call for early evacuation and are safely sheltered from the duress of the typhoon.

            When the weather started to calm down, we all stepped out to face the horrorcaused by the strongest typhoon 0f 2020—and possibly, the strongest one in recent history. To say that the island was devastated is, truth be told, putting it lightly”, pagtatapos ng gobernador.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.