Arestado ang pito (7) katao sa brgy. Cabugao, Bato sa kasong paglabag sa Sec 90 ng RA 8550 (Philippine Fisheries Code) as amended by 95 of RA 10654.

            Kinilala ang mga suspek na sina Sonny 38 anyos, Daryl 34 anyos, Rogelio 42 anyos, alyas Fred 39 anyos, Rena 61anyos, Ruel 41 anyos, pawang may mga asawa at isang Mark 35 anyos binate,  parehong  residente ng naturang barangay.

            Dinakip ang mga suspek sa bisa ng  search warrant na nilagdaan ni 1st Mctc Judge Francisco Torres, Jr. na nakabase sa Bato-San Miguel, Catanduanes.

            Samantala sa hiwalay na araw naaresto ang tatlong iba pang mga suspek na sangkot sa parehong kaso noong ika-17 ng Enero 2021. Ang mga ito ay  kinilalang  namana sa mga pangalang sina Andrew 37 anyos, Freddie 45 anyos, may mga asawa at ang isa pang binata na si Erwin pawang mga residente rin ng nabanggit na barangay.

            Ang pagkakaaresto ng mga suspek ay kaugnay sa warrant na isinilbi ng Bato PNP noong Setyembre 2020 matapos masangkot ang 10 katao sa ilegal na pangingisda. Nakapaghain naman ng agarang piyansa ang mga akusado para sa pansamantala nilang kalayaan. (Robert Alaurin Tavera)