Virac, Catandasnes – Agad naapula ang sunog sa dating pwesto ng Chicken Deli sa Virac Town Center (VTC) noong Enero 22, 2021.

            Sa tulong ng mga tauhan ng VTC sa tulong ng  mga operatiba ng Bureau of Fire Protection at Municipal Risk Reduction  Management Office (MDRRMO) naiwasang makapaminsala sa mga katabi pang pwesto ang insidente.

            Sa panayam ng Bicol Peryodiko, sinabi ni Chief of Police Antonio Perez na dakong alas siyete y medya ng umaga ng naturang petsa nang ireport sa kanila ang insidente.

            Ang lugar ay dating inuupahan ng Chicken Deli at kasalukuyang tindahan ng mga RTWs. Napag-alamang kabubukas pa lamang ng tindahan nang maganap ang naturang insidente.

            Sa initial na imbestigasyon, faulty electrical wiring ang dahilan ng naturang sunog dahil sa pagkabasa ng wires sa loob ng gusali.

            Maswerte namang naisalba ang mga apparels at iba pang mga paninda sa naturang pwesto. Habang sinusunulat ang balitang ito, patuloy pang iniimbentaryo ng VTC management kung magkano ang halaga ng naturang sunog.

Advertisement