San Andres, Catanduanes –  Kinumpirma ni Dr. Aly Romano ng JMA Hospital na fatal wound ang sanhi ng maagang pagkamatay ng dating Punong Barangay dahil sa pamamaril sa sitio Kilometro 27, Bislig, San Andres nitong Enero 8, 2021.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko, sinabi ni Dr. Romano na tumagos sa liver ng biktima ang isang (1) punglo at lumabas ito sa likurang bahagi ng katawan.

Napag-alamang pitong (7) slugs ang nakuha ng PNP sa pinangyarihan ng insidente, subalit isa lamang umano ang tumama sa biktima.

Matatandaang, dakong alas 6 hanggang alas 7 ng gabi nang matagpuan ang duguang biktima katabi ng kanyang nakabalandrang motorsiklo sa gilid ng national highway sa Barangay Bislig. Papauwi ang biktima nang pagbabarilin ng hindi pa makilalang salarin.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko kay Chief of Police Macabeo, sinabi nitong nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon habang biniberipika pa ang ilang impormasyong nakakaabot sa kanilang tanggapan sa posibleng ikadarakip ng mga salarin.

Hinihintay naman ng investigator on case  na si Staff Sergeant Aldrin Binalia ang resulta ng  ginawang gathering of data ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) maging ng laboratory results na siyang magiging batayan ng kanilang malalilamang imbestigasyon.

Kasama sa mga motibong tinitingnan ng mga otoridad ay ang kaugnayan sa trabaho, dahil isa itong liaison officer at collector ng Catanduanes Doctors Hospital, Inc. (CDHI), ang pagiging dating Punong Barangay ng Asgad at ang anggulong kagagawan ng mga makakaliwang grupo. (FB/PBA11)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.