Lumagda ng kasunduan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na may kinalaman sa Rehabilitation at Recovery sa panahon ng kalamidad.

            Pinangunahan ang naturang aktibidad nina OIC Regional Executive Director Atty. Antonio A. Abawag at DSWD Bicol Regional Director Arnel Garcia. Layunin ng Memorandum of Agreement (MOA) na mas paigtingin ag implementasyon ng Executive Order (EO) 120 o Strengthening Rehabilitation and Recovery Efforts in Typhoon-Hit Areas sa pamamagitan ng pagbuo ng Buid Back Better Task Forced na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Nobyembre 18, noong nakaraang taon.

            Nais ng dalawang ahensya magtulungan sa pamamagitan ng Food for Work Program ng DSWD at ang programa ng DENR na riverbank stabilization para sa Bicol River Basin kung saan sakop nito ang Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes. Ayon kay Director Abawag, ang riverbank stabilization sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga bamboo sa easement areas ng Bicol River Basin at tributaries ay isa lamang sa kanilang interventions sa ilalim ng EO.

            Samantala, tiniyak naman ni Director Garcia na magbibigay ng kaukulang tulong ang ahensya para sa implementasyon ng Bamboo Stabilization at bukod dito ay mamamahagi din sila ng isang libong (1000) food packs para sa mga benepisyaryo. Bilang lead agency sa pagpapaigting ng Watershed Management, makikipag-ugnayan ang DENR sa mga LGUs para ma-identify ang mga benepisyaryo. Bukod dito, maglalaan din sila ng planting materials na magagamit para sa rehabilitasyon ng riverbanks sa mga identified areas kung saan nakatakda silang magtanim sa Pebrero a-9 hanggang a-dose, taong kasalukuyan.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.