Virac, Catanduanes – All set na ang lugar na paglilipatan ng mga vendors sa Virac Public Market at inaasahang maiaaward na ito ngayong buwan ng Pebrero.

            Ayon kay Market Administrator Andy Po, hindi na umano lalampas sa buwang ito ang partial opening ng wet at semi-wet section ng merkado. Katunayan, pinaplantsa na lamang ang final guidelines sa temporary memorandum of agreement (MOA) ng alkalde sa mga vendors matapos pormal ng bigyan ng temporary authority ng Sangguniang Bayan.

            Dagdag pa ni Po, humigit kumulang 120 vendors ang unang mabibigyan ng pwesto sa lugar at isasagawa umano ang awarding sa pamamagitan ng raffle draw para walang masabing maneobra sa awarding ng pwesto.

            Ayon naman kay Vice Mayor Arlynn Arcilla at market committee chair Rosie Olarte, ang presyo ng stall na mapagkakasunduan ng alkalde at mga vendors ay magiging temporary lamang until such time na maipapatupad na ang market code na niluluto pa sa SB.

            Ang temporary opening umanong ito ay upang magkaroon na ng income ang lokal na pamahalaan at makatulong sa buwanang binabayaran na loan sa Development Bank of the Philippinesb(DBP) kung saan dito kinuha ang bahagi ng budget ng retrofitting ng merkado.

Pumapalo naman sa 120 hanggang 300 ang presyo ng pwesto bawat araw batay sa resulta ng konsultasyon ng LGU sa mga vendors.

Aang mga vegetables at fish section vendors na nasa gilid ng Gogon River ang mailipat na sa merkado at posibleng gawin terminal ng mga tricycle para mamaximize ang lugar, ayon kay market administrator Po.

            Nagpahayag naman ng kagalakan ang mga vendors dahil matutuloy na sa wakas ang matagal na nilang hinihintay. Malaki aniya ang maitutulong nito sa convenience ng kanilang pwesto maging sa kanilang income dahil dadagsa na ang maraming mamimili sa naturang lugar.

            Ayon kay Mayor Posoy Sarmiento, sa kabila umano na hindi pa tapos ang kabuuan ng merkado, ginawa niya umano ang kaukulang hakbang upang mabuksan ang merkado sa kabila ng hindi pa tapos ang patrabaho para maipwesto kaagad sa kanilang matagal ng pangarap na matagal na ring dumaraing sa kanilang sitwasyon.

            Kamakailan lamang, pormal ng pinirmahan ng alkalde ang acceptance sa bahagi ng merkado at isinailalim na ito sa inspection at ready for occupancy na umano ang lugar.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.