Arestado sa magkahiwalay na operasyon ang tatlong (3) suspek sa droga sa bayan ng Virac at Gigmoto sa lalawigan ng Catanduanes.
Sa bayan ng Virac, huli sa search warrant operation ang isang casual employee ng munisipyo sa bayan ng Virac, Catanduanes na kinilalang si Luiz Vladimir Joson y Posada alyas Taruc ng Calatagan, Virac, Catanduanes.
Limang sachets ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek. Tatlo (3) rito ang dalawang maliliit na sachets at dalawang mahabang sachets.
Samantala, sa hiwalay na operasyon humigit kumulang P96,000 pesos ang market value ng hinihinilang shabu ang nakumpiska sa isang drug listed personality sa bayan ng Gigmoto dakong alas 4 ng madaling araw noong Pebrero 25. 2020.
Ang suspek ay kinilalang si Danilo Alcantara Sr. y Tatad ng District 1 Gigmoto. Umaabot sa siyam (9) na sachets ang nakumpiska sa suspek sa isinagawang buy-bust operation. Walong (8) piraso rito ang nakasilid sa transparent plastic sachets na may bigat na humigit kumulang labing limang (15) gramo at isang (1) small plastic container na may yellow lid.
Isinagawa ang operasyon, dakong alas kwatro (4) ng madaling araw ng pinagsanib na pwersa ng PNP at Pdea.
Samantala, dakong alas 10 gabi noong Pebrero 26 nang arestuhin ang isang laborer na si Edwardo Torres, 39 anyos ng Sogod Tibgao Bliss matapos makumpiska ang humigit kumulang 9-12 sachets ng pinaniniwalaang shabu na nakasilid sa 2 malaking sachets.
Humigit kumulang 100,000 pesos ang market value ng nasakoteng droga, ayon pa sa opisyal. Ayon kay Perez, kasali si Torres sa mga high value target sa bayan ng Virac.
Nag-ugat aniya ang pagkakaaresto sa suspek matapos madakip ang isang casual ng munisipyo na si vladimir Jason y Posada noong Pebrero 25 sa Brgy. Calatagan, kung saan dito umano si Torres kumukuha ng kanyang suplay.
Sinampa na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act of 2002.