Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol na may isa ng pribadong paraalan ang nakapagsumite ng completed attachment para sa limited face to face classes.
Ayon kay Ma. Teresa Alban – Supervising Education Program Specialist ng nasabing tanggapan, magsasagawa na ng evaluation at inspection ang CHED Bicol kasabay ang DOH at LGU sa isang pribadong paaralan sa Naga City.
Aniya, may mga paaralan rin na nag-aaply sa nasabing ahensya para sa face to face classes na related health programs sa pamamagitan ng letter of intent habang may unibersidad rin na nag-apply kahit hindi related sa health programs tulad na lamang ng HRM, Criminilogy at iba pa.
Paglilinaw ng CHED tanging pinapayagan na makapagsagawa ng face to face classes ay ang mga may kinalaman sa health related programs tulad ng Medicine, Nursing, Physical Therapy, Medical Laboratory Science, Medical Technology, Midwifery at Public Health.
Sinabi pa ng opisyal, kapag nakita ng CHED na pasado base sa guidelines ng IATF ang mga paaralan ay hindi na magkakaroon pa ng ikawalang evaluation at automatiko na rin itong makapag-implement ng face to face sa susunod na school year kung sakali mang pahintulutan na ito ng pangulo.
Sa ngayon ay binibigyan pa rin ng pagkakataon ang ilang unibersidad o mga pribadong paaraalan sa Bicol na mag pa evaluate sa limited face to face learning.
Samantala, inihayag ni CHED Regional Director Freddie T. Bernal na sakaling makapasa ang isang University o College sa mga requirements para sa limited face to face, hindi naman dapat pilitin ang mga estudyante kung may pangamba pa sila.
Aniya, option ng isang estudyante kung gusto nilang pumasok sa limited face to face o manatili pa rin sa modular o flexible learning.
Base sa guidelines na inaprubahan ng CHED at DOH Central Office, 20-anyos pataas ang pinapayagang pumasok sa paaralan na kumukuha ng kursong health related programs.
Kabilang sa mga Health Related Programs ay Medicine, Nursing, Physical Therapy, Medical Laboratory Science, Medical Technology, Midwifery at Public Health. (Brigada)