Gigmoto, Catanduanes – Kinumpirma ni Mayor Vicente Tayam sa bayang ito na ipinamahagi nila ang tig-iisang sakong bigas sa lampas dalawang libong household sa kanilang bayan.

            Sa panayam ng Bicol Peryodiko, sinabi nitong umaabot sa 1,700 na sako ng Korean rice ang ibinigay sa kanilang bayan kung kaya’t dinagdagan na lamang ng Sangguniang Bayan ang kakulangan para maging isang sakong bigas kada household.

            Laging tuwa ng mga residente sa ginawang hakbang ng lokal na pamahalaan. Ayon sa mga ito, malaking tulong sa kanila ang ayuda ng bigas lalo’t higit pandemya ngayon at limitado ang kanilang galaw dahil sa mga restrictions.

            Samantala, nagpasalamat naman ang alkalde sa positibong reaksyon ng mga residente. Lalong ipinagpapasalamat ng alkalde ang pagiging zero covid sa bayan ng Gigmoto ngayong 2021.

            Aniya, naitala ang 4 na nagpositibo sa bayan ng Gigmoto noong pang 2020 at maswerte silang walang naitala ngayon taon.

Advertisement