Si Vice Mayor Cherry Dela rosa Barro ang umuupong acting Mayor ngayon ng Caramoran matapos ipataw na ang isang buwang suspension ng Sangguniang Panlalawigan laban kay Mayor Glenda Aguilar.

Nag-ugat ang suspension laban sa alkalde matapos sampahan ito ng kasong administratibo sa Sangguniang Panlalawigan dahil sa nepotism matapos ang appointment sa isang kaanak nito na sakop ng 4th civil degree and consanguinity.

Naging paborable sa petitioner ang hatol ng SP, kung saan  mainit ang diskusyon kung ano ang magiging  duration ng suspension. Sa pinal na botohan nanaig ang isang buwan laban sa anim na buwang suspension.

Nitong Mayo 22 nang isilbi ang suspension laban sa alkalde.

Samantala, si topnotcher councilor Joshue Bong Aguilar na pinsan ng asawa ng alkalde ang uupo bilang Acting Vice Mayor sa Sagguniang Bayan ng Caramoran. (PBA batch 13 AE)

Advertisement