Caramoran, Catanduanes – Bumalik na sa pwesto noong Hunyo 21, 2021 si Mayor Glenda V. Aguilar matapos itong suspendihin ng Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes.
Ang alkalde ay nasuspendi dahil sa administrative case na isinampa sa SP sa kasong “nepotism” nang tangkain i-promote ni Aguilar ang kapatid ng kanyang asawa sa mas mataas na posisyon sa tanggapan ng Municipal Planning and Development Office ng bayang ito.
Dahil nagawa ng alkalde na iurong ang nasabing promotion bago pa ito maaksyunan ng Civil Service Commission (CSC) , kung kaya’t bumaba sa isang buwan lamang ang kanyang hatol sa halip na matanggal sa puwesto.
Ang suspension order ay natanggap ni Aguilar noong mayo 21,2021, kung saan agad -agad siyang gumawa ng kasulatan na bumaba na sa pwesto ng mismong araw na yaon na agad ipinadala sa mga kinauukulan.
Sa ngayon, tuloy-tuloy na ang trabaho ng punong bayan at pinaghahandaan ang inagurasyon ng kanilang bagong municipal hall na nalalapit ng matapos ngayong buwan ng hulyo.
Sa inisyal na impormasyon, sa Hulyo 20 pa posibleng pasinayahan ang nasabing municipal hall na siyang maituturing na pinakamagandang munipal hall sa buong lalawigan.(JP #132 Ariel Eubra batch 13)