Virac, Catanduanes – Nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ang Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes sa pagkamatay ng Catanduanes Travel Guide Apps Creator na si Karlo Adrianne Rodriguez Aguilar ng Barangay San Vicente sa bayang ito.

Dahil dito, isang resolusyon ang inihain ni Provincial Board Member (PBM) Edwin T. Tanael noong ika-28 ng Hunyo, 2021 sa 26th Regular Session para kilalanin malaking kontribusyon ni Aguilar sa probinsya lalong-lalo na sa sektor ng turismo.

Nakilala si Aguilar sa kanyang nilikhang “Catanduanes Travel Guide Application” upang tulungan ang mga byahero mula sa loob at labas na probinsya na tukuyin ang kanilang “travel destination.”

Ito rin ang naging dahilan upang maging isa sa mga ‘pioneers’ ng Provincial Tourism Office upang iangat ang ‘digital platform’  at ang kanyang slogan na nagpakilala sa buong mundo bilang Catanduanes bilang ‘Happy Island’.

Noong Disyembre 27, 2017 ay natanggap ni Aguilar ang parangal mula sa lokal na pamahalaan ng Catanduanes sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office ang titulo bilang isa sa mga “Tourism Ambassadors” sa islang kayganda. (Joni Panti)

Advertisement