Virac, Catanduanes – Na-installed na sa mga strategic areas sa poblacion ng Virac ang umaabot sa labing lima (15) mula sa kabuuang labing dalawang (22) closed-circuit television (CCTV) cameras na magiging bahagi ng monitoring facility ng Virac Municipal Police station (MPS) sa mga kaganapan sa capital town.
Sa programang “Arangkada Virac” ng LGU Virac, ikinagalak na ibinalita ni Chief of Police Antonio Perez ang naging pagtugon ng lokal na pamahalaan ng Virac sa pangunguna ni Mayor Posoy Sarmiento sa proyekto bilang prevention mechanism sa mga masasamang elemento ng komunidad at pagpapanatili ng peace and order situation sa bayan.
Umaabot sa kabuuang 2.1 milyong piso ang inilaang pondo sa nasabing proyekto mula sa Peace and Order and Public Safety Plan Fund ng lokal na pamahalaan na siyang magiging 24 oras na mata ng PNP lalo’t higit sa mga posibleng krimen.
Ipinagmalaki ni Perez ang kapasidad nitong abutin ang mga pangunahing lugar kahit malayo na halos malinaw pa umano dahil high definition ang mga ito. Inihalimbawa nito ang isang 360 degrees na CCTV sa bahagi ng Jollibee Virac sa Fountain area na kayang abutin ang lugar sa tapat ng provincial capitol na malinaw pa ang resulta.
Maliban sa CCTV, kasama rin purchases ang mahigit dalawangpung (20) handheld radio na gagamitin sa mabilis na pagresponde sa mga kahina-hinalang krimen at individual na makikita sa CCTV.
Dahil umano sa naturang bagong kagamitan, mas mapapalawak ng PNP Virac ang police visibility sa iba pang hindi saklaw ng cctv at magiging mabilis ang pagresponde at pagresulba sa mga krimen.
Batay umano sa kanilang estimate, dahil ang papolasyon ng Virac ay umaabot sa 80,000, nadagdagan umano ito sa tuwing umano ng halos 120,000 kapag umaga dahil sa pagdagsa ng mga empleyado at mga mamimili maging turista sa capital town.
Aniya isang malaking multiplier umano ang mata ng CCTV sa mga strategic areas para sa kanilang epektibong pagpapanatili ng pase orden. Kasama sa nilagyang mga lugar ay ang Virac boulevard, Virac Plaza hanggang sa Catanduanes State University.