Virac, Catanduanes – Masayang ibinalita ni President Patrick Alain T. Azanza na ang Catanduanes State University (CatSU) ang kauna-unahang State University and Colleges (SUC) sa bansa na naging DOH-accredited Vaccination Center.
Ito kasunod sa positibong resulta ng evaluation ng Department of Health para maging vaccination site ang unibersidad.
“ Mabalos sa full support ng CatSU nurses and doctors and staff!!! Mabalos sa DOH, PHO and sa full support kan Catanduanes Medical Society and sa Philippine Nurses Association-Catanduanes Chapter. Mabalos sa gabos tabi!, paglalahad ng opisyal sa kanyang facebook.
“Now the real job starts against our continued fight against COVID! According to DOH Representative Dr. John Aquino, CatSU was declared as a “Model Vaccination Center” as part of their evaluation results!!! This is for every Catandunganon!!!, dagdag pa ng opisyal.
Unang umapela si Pres. Azanza kay Dr. Hazel Palmes ng PHO at umaasa na mapruhan ang naturang kahilingan. Ayon kay Pres. Azanza, may sapat na mga pasilidad at trained personnel ang university upang makatulong sa pagbabakuna’t maiwasan ang siksikan ng tao’t pumila ng mahabang oras .
Aniya, ang dagdag na vaccination center sa Catanduanes ay lubhang kailangan bilang makataong tugon upang hindi masyadong mahirapan ang mamayan lalo na ang mga senior citizens na nakikipagsiksikan at natatagalan sa pila sa mga vaccination centers.