Virac, Catanduanes – Magiging bahagi ng immediate response team ang tanggapan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) Catanduanes sa panahon ng mga kalamidad.

                Ayon sa bagong full-pledge District Engineer Gil Balmadrid, isinasailalim na sa response training course ang mga personahe ng kanilang ahensya upang maging katuwang sa pagtugon sa mga kalamidad.

                Matatandaang nitong nakalipas na bagyong Rolly, halos 80 porsiyento ng mga pangunahing daan sa mga bayan ng Virac, San Andres, San Miguel, Bato, Baras at Gigmoto naging paralisado dahil sa pagbagsakan ng mga lupa at mga kahoy. Kinailangan pang makipag-ugnayan sa mga rescue team ng mga bayan dahil sa kakulangan ng mga tauhan ng DPWH.

                Samantala, suportado naman ng Philippine Red Cross ang hakbang na ito at meron umano silang Memorandum of Agreement hinggil dito.

                Aminado ang pamunuan ng DPWH na meron silang mga kawani at mga ikipahe subalit kulang pa sa kaalaman hinggil sa rescue operation kung kaya’t napagpasyahang buuin ang naturang ideya.

                Ang kanilang binubuong team ay magiging ‘force multiplier’ ng PRC at iba pang disaster response group sa lalawigan na nakahandang rumesponde at magbigay asistensya lalo pa’t typhoon area ang lalawigan.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.